“PEKE!”
Yan ang warning ng Kapuso TV host-actress na si Marian Rivera sa publiko tungkol sa isang Facebook page na gumagamit sa pangalan niya.
Nakarating sa misis ni Dingdong Dantes na may sindikato ring nambibiktima sa Facebook sa pamamagitan ng isang fake account.
Mariing dinenay ni Marian na kanya ang FB account na “Marian Rivera Dantes” na balitang namimigay umano ng P5,000 “para sa lahat ng Kapuso.”
Nakasaad pa sa account na mismong si Mariam daw ang nagha-handle at nagma-manage ng nasabing account.
Ang kailangan lang daw gawin ng kanyang followers ay i-message para makatanggap ng ipinapangako nitong cash donation.
Agad na binalaan ng Kapuso star ang kanyang fans and social media followers tungkol dito at huwag daw hayaang mabiktima ng mga nagsasamantala sa panahon ng krisis.
Mensahe ng “First Yaya” lead star, “Pawang kasinungalin po ito! FAKE!!!”
Patuloy pa ring naghahatid ng tulong ang mag-asawang Dingdong at Marian sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic pati na sa mga bayaning frontliners.
* * *
Aminado ang Kapuso Premier Actress na si Lovi Poe na miss na miss na niya ang pag-arte sa harap ng kamera lalo na’t higit isang buwan na tayong naka-quarantine sa bahay.
Apektado ang halos lahat ng industriya sa bansa dahil sa ipinatutupad na Luzon-wide lockdown pati ang trabaho ng mga artista na halos araw-araw ang taping.
Sa pansamantalang pagtigil ng shooting at taping, inalala ni Lovi ang isa sa kanyang mga naudlot na proyekto.
“Miss shooting and going to WORK so much… *On the set of #HindiTayoPwede — sadly our cinema screenings got cut short, but public safety first of course. Hopefully we can show this again!” caption ni Lovi sa kanyang IG post.
Samantala, naantala rin ang taping ng upcoming GMA Public Affairs series ni Lovi na “Owe My Love,” kung saan makakatambal niya si Benjamin Alves. Kahit na malungkot, pinaalalahan naman ng aktres ang fans na para rim sa ikabubuti ng lahat ang lockdown.