MULING nabawasan ang antas ng tubig ng Angat Dam at iba pang dam sa Luzon sa magdamag.
Ayon sa Pagasa-Hyrometeorology Division, nasa 192.25 metro alas-6
ang antas ng tubig ng Angat Dam, mas mababa sa antas nito kahapon na 192.45 metro.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa Dam na nasa 76.88 metro ngayong umaga kumpara sa antas nito kahapon na 76.92 metro. Nanatili naman ang Ipo Dam sa antas nito na 100.63 metro.
Samantala, nabawasan din ang water level ng mga dam ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat.
Nasa 160 metro ang critical water level ng Angat Dam.
MOST READ
LATEST STORIES