Nasawing sundalo sa Sulu clash 12 na

UMABOT na sa 12 ang bilang ng mga sundalong nasawi dahil sa engkuwentro laban sa Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu, noong nakaraang linggo.

Binawian ng buhay si SSgt. Alexander Bolesa, ng Army 21st Infantry Battalion, habang nilulunasan sa ospital sa Zamboanga City, alas-7:14 ngayong umaga (Lunes), ayon kay Maj. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command.

Ikinasawi ni Bolesa ang mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ani Encinas.

Sa ngayon ay inihahanda pa ang requirements para mailipad ang mga labi ng nasawing kawal patungong Luzon, aniya.

Si Boleza ay residente ng Abra, ayon kay Encinas.

Matatandaan na 11 sundalo, kabilang ang isang tinyente, ang unang nasawi sa pakikipagsagupa sa mga bandidong pinamunuan ni Abu Sayyaf commander Radullan Sahiron at sub-leader na si Hatib Hajan Sawadjaan sa Patikul noong Biyernes.

Nagpapagaling o nilulunasan pa ang nalalabing 13 sundalo na nasugatan sa bakbakan.

Read more...