Makati Med itinanggi na sinisingil nito sa pasyente ang mga donasyong PPEs

ITINANGGI ng Makati Medical Center na pinababayaran nito sa mga pasyente ang donasyong personal protective equipment.

“Donations and contributions to the Makati Medical Center – particularly personal protective equipment including masks, gowns coveralls, gloves, etc – are provided to admitted patients at no extra charge,” saad ng pahayag ni MMC Medical Director and Interim CEO Dr. Saturnino Javier na naka-post sa social media account ng ospital.

May mga kumakalat na alegasyon na idinadagdag umano ng mga ospital sa bill ng pasyente ang PPE kahit hindi nila ito binili at donasyon sa kanila.

“Any suggestion or insinuation that MMC profits from these donations is utterly misplaced,” ani Javier na nagsabi na hindi niya kukunsintihin ang mga ganitong gawain.

“To cast aspersion on any healthcare facility that seeks to respond to this unprecedented medical crisis in the best manner possible is definitely unfair,” dagdag pa ni Javier.

Read more...