4 nag-mahjong, timbog

DINAMPOT ang apat na katao na naaktuhang nagma-mahjong sa Upi, Maguindanao na paglabag sa enhanced community quarantine.

Nahaharap sa mga kasong illegal gambling at paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act ang apat na suspek.

Nadakip ang apat sa Brgy. Nuro Poblacion at nakuha sa kanila ang taya at mahjong set.

Hanggang sa Abril 30 pa paiiralin ang ECQ sa ilang probinsya sa Mindanao kontra COVID-19.

Read more...