SIMULA bukas ay magagamit na ang temporary treatment facility na ginawa sa Eva Macapagal Super Terminal sa Pier 15 sa Maynila.
Nagsimula ang paggawa noong Abril 13 at inaasahan na matatapos ito sa loob ng 10 araw subalit dahil sa magdamagang paggawa ay mas maaga itong natapos.
Ang Pier 15 Covid-19 Treatment Facility ay may 211 cubicles na hinati-hati para sa mild, advanced at severe infections.
Mayroon itong hospital beds, portable toilets, cargo containers kung saan inilagay ang mga showers, at open-air dining facilities.
Maglalagay din ng nurse stations sa labas na lalagyan ng mga plastic barrier para mabawasan ang paggamit ng mga personal protective equipment (PPE).
Mayroon din itong airtight doors upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
“The interior layout of the quarantine terminal is generally open to allow a conducive space for the healing of patients. The facility is also provided with air-conditioning units and equipped with sufficient doors and windows, which can be opened to let fresh air in regularly as prescribed by health experts in the treatment of patients. It is situated beside the waterfront, where patients will be allowed to enjoy sunlight and fresh ocean breeze.”
Ang mga tauhan ng Department of Health (DOH) at health and safety personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mangangasiwa sa lugar.
Ang operasyon ng super terminal ay sasabay sa dalawang quarantine ship na tumatanggap na ng mga OFW na isinasailalim sa quarantine.