Sino sa kanila?

Sulat mula kay Monique, ng Barangay Bañadero, Ozamiz City
Dear Sir Greenfield,
Dalawa ang boyfriend ko at pareho ko silang mahal. Naisipan kong sumulat sa inyo dahil pareho na rin silang nag-alok ng kasal. Gusto ko lang malaman kung sino ang higit na ka-compatible ko sa kanilang dalawa. Ang una ay isinilang noong Sept. 17, 1986; at ang ikalawa ay isinilang noong Feb. 14, 1985, habang May 12, 1987 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Monique, ng
Barangay Bañadero, Ozamiz City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Tama ka Monique.  Dalawa nga ang namataang Marriage Line (Illustration 1. Arrow  1. at 2.) sa iyong palad, kaya mahihirapan ka talagang pumili kung sino ang dapat mong pakasalan sa kanilang dalawa, dahil ang nasabing guhit ng pag-aasawa ay halos mag sing-linaw at magsing-haba.  Ganonpaman, may posibilidad na kung ano ang unang naging boyfriend mo sa kanila, iyon na ring lalaki na iyon ang iyong mapapangasawa.
Cartomancy:
Queen of Spades, Queen of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa kasalukuyan, sadyang malilito ka talaga, pero paglipas ng dalawang buwan, makapagde-desiyon ka na.
Kung saan, ang lalaking mas may edad o mas matanda na may mas matatag na trabaho at medyo maputi ang kulay ng balat ang siguradong pipiliin mo sa sandaling nagpasya ka ng mag-asawa.
Itutuloy…

Read more...