ANGEL ipapasa na ang bato ni DARNA, lalangoy na bilang bagong DYESEBEL

Trulili kaya ang tsikang nakuha namin na si Angel Locsin daw ang napipisil ng ABS-CBN na maging Dyesebel? Naku, tiyak na maraming maiinggit na Star Magic dahil si Angel na nga raw ang gaganap na Darna, pati ba naman daw sa Dyesebel ay siya pa rin?

Sobra-sobra naman daw ‘yun. Wala na raw bang ibang artista ang Dos? Ang tsika sa amin ay ipapasa lang ni Angel ang bato sa gaganap na bagong Darna kaya special participation lang siya sa nasabing fantaserye kaya huwag nang mag-alala ang iba diyan.

Ibig sabihin posible ngang mag-Dyesebel si Angel at tingin namin ay bagay naman sa kanya ang role dahil bukod sa magaling na siyang umarte ay seksing-seksi na uli siya ngayon.

Sabi ng isang nakausap namin, pwedeng-pwede raw si Angel sa bagong Dyesebel, para maiba naman daw ang trend na parating tisay o mestisang aktres ang gumaganap sa role.

Kung sabagay may punto siya. Ang huling gumanap na Dyesebel ay tisay din, si Marian Rivera. Bagay din naman si Angel bilang Dyesebel dahil sa galing niyang lumangoy, e, di ba swimmer talaga siya bossing Ervin at kung hindi kami nagkakamali ay sumali siya sa swimming competition noon.

Ang malaking tanong, kailan gagawin ni Angel ang Dyesebel, e, hindi pa nga niya nauumpisahan ang soap drama nila ni Jericho Rosales.

Hindi namin alam kung sino ang hindi available mag-taping dahil si Angel ay handang-handa na, pero na-pack up naman daw ito.

“Hmmm, hindi kaya si Echo dahil bisi-bisihan na siyang mag-prepare sa kasal nila ng fiancé niyang si Kim Jones ngayong Disyembre, 2013.

Bukod dito ay may gagawin pang pelikula si Angel kasama naman si Vhong Navarro under Star Cinema mula sa direksyon ni Binibining Joyce Bernal na uumpisahan din ngayong Setyembre.

Hayan, sa mga nag-iingay na fans ni Angel, abangan na lang ninyo lahat ng projects ng aktres, kung noon ay paisa-isa lang ang projects niya, bago matapos ang taon ay magsusunud-sunod naman ‘yan. Sabi nga, it pays to be patient.

( Photo credit to Google )

Read more...