Condo, subdivisions di exempted sa quarantine — task force

HINDI exempted sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine ang mga taong nakatira sa mga subdivision o nagtataasang condominium, ayon kay Joint Task Force-Coronavirus Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Ibinigay ni Eleazar ang pahayag matapos mapaulat ang umano’y panghihimasok ng mga pulis sa Pacific Plaza Condominium sa Bonifacio Global City, Taguig.

Ayon kay Eleazar, pinasok ng mga tauhan ng Taguig Police, sa pangunguna ni Maj. Joseph Austria, ang pool area ng condominium matapos makatanggap ng ulat na may mga taong nagtitipon doon.

Ito aniya’y paglabag sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine at kautusan ng lokal na pamahalaan, kaya rumesponde ang pulisya.

“While Maj. Austria was talking to Board President Gemma Gemayel about the complaints the local police had received, he spotted groups of people gathering at the common area and at the swimming pool which prompted him to caution them that they are violating the home quarantine and social distancing rules. There was no gun-pointing incident that happened,” ani Eleazar.

Sa kabila nito aniya’y ipinatawag na si Austria para magpaliwanag, at magsasagawa ng karagdagang imbestigasyon sa insidente bilang bahagi ng standard operating procedures.

Una dito, napabalita na pinag-iisipan ng pamunuan ng condominium ang pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis dahil sa panghihimasok.

“The last time we checked, there is no existing state or entity inside the Philippines that could craft and implement its own laws or guidelines especially pertaining to the COVID-19 safety measures. The ECQ guideline is plain and simple: stay at home and observe social distancing when going out of your house — anytime, anywhere, and regardless of your social status. Thus, that condo residential place and the people living there are not exempted,” sabi naman ni Eleazar.

Nanawagan ang JTF Coronavirus Shield commander sa pamunuan ng iba pang condominium, at maging mga subdivision, na laging sumunod sa quarantine protocols gaya ng social distancing.

“Otherwise, we will not hesitate to enforce the law in your areas,” aniya.

Read more...