James Yap nagparamdam sa b-day ni Bimby: I love you son!

 

BINATI ni James Yap ang kanyang anak na si Bimby dahil birthday nito kahapon, Sunday.

Maikli lang ang birthday greeting ni James na ipinadaan niya sa kanyang Twitter and Instagram accounts.

“Happy Happy 13th Birthday Bimb! (Birthday cake. Confetti ball. Party popper).

“May God continue to bless you with many more years of health and life…I love you son! (Red heart) #officiallyteenager #04192007.”

Sa pagkakaalam namin ay matagal nang hindi nagkikita ang mag-ama lalo na ngayong may enhanced community quarantine. 

Kung papansinin ninyo ang ginamit na picture ni James sa kanyang Instagram post ay yung super bata pa ni Bimby, parang seven years old pa lang siya noon.

This goes to show na sobrang matagal nang hindi nagkikita ang mag-ama. 

Kung nagkikita kasi sila, malamang ay may post na iyon sa social media accounts ni James.

Ewan kung nakarating na kay Bimby ang pagbati ng kanyang ama.  Currently ay nasa bakasyon pa si Bimby kasama ang inang si Kris Aquino at brother niyang si Joshua.  They are still in Puerto Galera.

Si Kris, mahaba ang aria sa birthday ni Bimby na inumpisahan niya sa pagsasabing teenager na ang kanyang anak.

“My bunso is no longer my baby, he’s now officially a TEENAGER.

 “HAPPY 13th birthday, Bimb…THANK YOU to God, Our Father- He makes it possible for the 3 of us to LOVE each other unconditionally, trying to do so with humor & laughter, regardless of the trials & tears i wish i could have shielded my 2 from… 

“We understand, appreciate & support our small family unit… and we remain grateful for blessings big & small,” part ng birthday greeting ni Kris sa anak.

Hindi naman binanggit ni Kris si James sa kanyang tribute kay Bimby. Ayaw siguro niyang masabing umeepal na naman siya.

Read more...