Vice ginagamit ng sindikato sa FB: Mga demonyo! #SCAM! | Bandera

Vice ginagamit ng sindikato sa FB: Mga demonyo! #SCAM!

Alex Brosas - April 20, 2020 - 03:02 PM

VICE GANDA

GALIT na galit si Vice Ganda sa gumamit ng kanyang pangalan sa social media, particularly sa Facebook.

“Mga manggagantso!!!! Mga demonyo!!! #SCAM!”

‘Yan ang tili ni Vice sa kanyang social media account matapos makarating sa kanya ang ginagawang panloloko ng “Vice Ganda Family” FB page.

“LEGIT PO KAMI.” ‘Yan naman ang nakakalokang claim ng Vice Ganda Family sa Facebook.

May paandar ang nasabing account as it said, “MAMIMIGAY KAMI TAG 5K SA BAWAT ISA SA INYU.

“BAGO SA LAHAT PA SHARE SA SAMPUNG GRUPO AT SA TIMELINE NYU ITO AT PA FOLLOW at LIKE NG PAGE NA ITO

“PAG TAPOS PAKI HINTAY NA LNG SA MESSAGE NAMIN. GODBLESS SANA MAKATULONG ITO SA INYO.”

Kagabi ay deleted na ang “Vice Ganda Family” page sa FB. Mukhang successful ang ginawang mass report ng fans ni Vice para matanggal ang FB page nasabing online syndicate.

Incidentally, sa Gandang Gabi, Vice kagabi ay natanong ni Ms. Charo Santos-Concio kay Vice kung may galit ito sa kanya.

Napapansin kasi ni Ms. Charo na minsan ay late na umeere ang Maalaala Mo Kaya dahil sa overtime ng It’s Showtime.

Nagpaliwanag naman si Vice at sinabing minsan ay nag-o-overtime talaga ang Showtime. Pero sa kanyang observation, madalas na ang dahilan kung bakit namo-move ang timeslot ng MMK ay dahil sa S.O.C.O. dahil ang host daw nito ay mabagal magsalita.

Laugh nang laugh si Ms. Charo sa sinabing iyon ni Vice Ganda.

Anyway, ang highlight ng guesting ng host ng MMK ay ang pagbasa niya ng sulat na mula sa isang letter-sender na bading. Ang challenge sa kanya ay i-translate sa gay lingo ang letter ng beking sender.

Tawa nang tawa ang audience dahil perfect ang pagkakagamit ni Ms. Charo ng beki language habang binabasa niya ang sulat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending