MATAPOS mawala sa Twitter world, bumalik na ang parody account ni Ethel Booba na inakala ng marami sa ilang taon ay talagang kanya.
Kaka activate lang kasi pero magreflect ulit yan siguro after 24 hours kung….di pa ulit ako nakadeactivate. Charot! https://t.co/SLcHvDZm4e
— Charot! (@IamCharotism) April 17, 2020
Tuloy pa din yung ambag kong Empi kahit may nagalit. Charot!
— Charot! (@IamCharotism) April 17, 2020
Nagulantang ang buong Twitter universe matapos i-deny ng komedyana na siya ang nagtu-tweet sa @IamEthylGabison na naging sikat dahil sa mga hirit niyang napapanahon hindi lang tungkol sa showbiz maging sa politics din.
Ani Ethel sa isang tell-all vlog, hindi na raw niya nagugustuhan ang mga tweets nito kaya inexpose na nya. Dineny din niyang may banta sa kanya kaya niya inilabas ang katotohanan.
“Tsaka kailangan ko ‘tong i-report na at i-stop na, at kailangan ko na ‘tong tuldukan na talaga. Kasi malapit na rin yung eleksiyon, e, two years na lang, baka pagkakitaan niya pa ‘to.” ani Ethel.
Sa ngayon, gumawa si Ethel ng bagong Twitter account pero ayon sa ilang netizens ‘sablay’ at ‘waley’ daw ang impact nito.
Sa mga lumang interview kay Ethel, sinasabi niyang siya ang may-ari ng account na ito at may katulong daw siya sa mga post dito.
Anyway, binago na sa Charot! ang name ng Twitter account.
At ang sey sa description nito?
“Started as PARODY account until Ethel claimed it as hers on National TV.”