NAIS ni Cavite Governor Jonvic Remulla na magpa kalat ng sundalo sa Cavite, matapos mapuno sa mga pasaway na hindi sumusunod sa enhanced community quarantine na ipinapatupad sa buong Luzon kontra COVID-19.
Aniya, nais nya ang AFP na pairalin ang ECQ sa Cavite. Balak na rin niyang makipag-ugnayan kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ukol dito.
“Nakiusap na po ako sa ating Provincial Director na tawagin na ang ating mga kaibigan sa AFP na maghanda mag deploy Ang AFP dito sa Cavite. Ako po ay makikipagugnayan kay Sec. Año na gamitin na ang Philippine Army at Reservist para pairalin ang ECQ sa Cavite. Mamayang gabi ay babalitaan ko kayo sa aking mga panayam.”
Sa isang pahayag, sinabi nya na kumukulo ang dugo nya sa mga taong matigas pa rin ang ulo at hindi makasunod sa alituntunin ng ECQ.
“Hinde po ako pwede magkunwari, na nararamdaman ko ang dinadaanan ninyo. Ako ay pinanganak sa ibang kalagayan. Ngunit araw araw, ang inyong dinadanas ay ang unang nasa isip ko pag gising pa lamang. Napakahirap ng walang kinikita. Napakahirap na para maitawid lamang ang pangangailangan ay kailangan magsanla. Nakaka kulo Ng dugo na 90% ay na sunod sa patakaran ngunit may 10% na matigas ang ulo at baka sanhi ng lalong pagkalat ng covid-19. NAKAKAPIKON!”
“Kung kulang ang patakaran at pakiusap ay subukan ko naman kaya ang HIGPITAN ko ang padtupad nito.” dagdag pa ni Remulla.
Sa huli sinabi niyang wala sa loob nya ang manakit at nais niya lang patinuin ang 10% ng mga pasaway ng mailigtas ang iba.
Nanawagan naman siya na sana ay magkaisa ang lahat.