Anti-discrimination ordinance epektibo na sa buong MM

SINABI ni Inter-Agency Task Force (IATF) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na epektibo na sa buong Metro Manila ang anti-discrimination ordinance matapos namang magpasa ang lahat ng lokal na pamahalaan ng kani-kanilang panuntunan para parusahan ang mga sangkot sa diskriminasyon ng mga frontliners at mga tatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

“All LGUs in Metro Manila now have an anti-discrimination ordinance or EO in place. May babala din ang NBI: ang lahat ng uri ng pananakot, diskriminasyon, at pananakit sa ating mga frontliners ay may karampatang parusa,” sabi ni Nograles.

Hinikayat ni Nograles ang mga biktima ng diskriminasyon na magsumbong sa National Bureau of Investigation (NBI).

“Pwde nyo pong ireport sa NBI kung ikaw man ay nakaranas o nakasaksi ng mga ito. Tumawag o mag-text sa mga sumusunod na numero: Para sa Globe subscribers: 09664723056; Smart: 09617349450; Regional number: 09751539146; at Landline: (02) 852 40237. Salamat po sa ating mga mayor sa Metro Manila, at sa NBI,” dagdag ni Nograles.

Read more...