Ethel Booba inokray ng bashers, mga hirit daw sa Twitter ‘waley’ 

INOKRAY ng ilang bashers ang stand-up comedian na si Ethel Booba dahil umano sa mga hirit niyang “sablay” at “waley” sa Twitter.

Ayon sa ilang followers ni Ethel sa bago niyang Twitter account, “off” ang kanyang mga punchlines at hindi raw ito nakakatawa kumpara sa inireklamo niyang fake account na gumagamit sa pangalan niya.

Isa sa mga tweet ni Ethel kamakailan ay ang tungkol sa panawagan ng mga senador na mag-resign si Department of Health Sec. Francisco Duque III dahil sa umano’y lagpak na grado nito sa paglaban sa COVID-19 crisis.

Hirit ni Ethel, “So sino ipapalit niyo sa DOH? Dra. Belo o Calayan ba? Sino bet nyo mga beshie.” Na ang tinutukoy ay sina Dra. Vicki Belo at Dr. Manny Calayan na nga kilalang cosmetic surgeons.

Comment ng netizen, “Ang off ng humor lol!” Na sinagot naman ni Ethel ng, “Uy dati havey ako bigla ka naman nagbago bess.”

Kasunod nito, nag-post uli ang netizen ng screenshot ng pag-log out nito sa Twitter na nireplayan ni Ethel ng, “Na sad ka ba. Wala na bang love it girl.”

Isang “try harder” naman ang banat ng isa pang hater na sinagot naman ng komedyana ng, “Hollow block poste steel plate bato martilyo ano harder pa ba gaano ka hard ba gusto mo hay naku colored.”

Tinawag ding manggagamit ng isa niyang follower si Ethel, “Ew. Manggagamit kasi laos ka na talaga. Yun lang nmn tlga sumalba sayo. Nakakarimarim ka ghourl. To think relihiyosa ka pa niyan ha. Looooooooool.”

Hirit naman ni Ethel, “Uy admin fake kubeta ikaw ba yan. Move on na girl daming artist gamit ng iba uli. Yung favor sa pinaninindigan mo. Dun ka nga good vibes lang dito.”

Chika naman ng isa pang netizen, “Nagka career ka dahil sa account na un. naging interesting ka ulit dahil sa career na un. pinagkakitaan mo un ng napaka tagal. sa tingin mo ba magkakainterest ang tao ulit sa yo after nalaman nila na ikaw pala ay totoong booba. wrong move.”

Bwelta ng komedyana, “Wrong move ba ay di ako nainform. Yung pati anak ko nadadamay sa kagagawan nya sorry ha.”

Pang-aasar ng isa pang Twitter user, “Real Ethel (2k followers) vs. Fake Ethel (1M followers just fews days after reactivating)… Akala ni real Ethel sasalba sa kanya mga DDS. Yan napala mo. Goodbye tv guestings, book launch.”

Sagot ni Ethel, “At least now masasabi nya na lahat ng gusto mya sabihin na di na nadadawit ang pangalan ko. Batikusin nya na lahat ng gusto nya.”

Samantala, nag-reactivate na nga ang Twitter user na inakusahan ni Ethel ng panggagamit sa kanya. Gamit nito ang handle name na Charot.

Read more...