LUMINDOL sa Sarangani at Sultan Kudarat kaninang umaga ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Alas-2:16 ng umaga ng maramdaman ang magnitude 4.2 lindol sa Sarangani. Ang epicenter nito ay 22 kilometro sa silangan ng Malapatan at may lalim na 32 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Malungon, Sarangani at Intensity II sa Alabel sa Sarangani at General Santos City.
May lakas namang magnitude 4.3 ang lindol sa Sultran Kudarat. Ang epicenter nito ay limang kilometro sa silangan ng bayan ng Columbia at may lalim na walong kilometro.
Nagdulot ito ng pagyanig na Intensity III sa Magsaysay, Davao del Sur at Kidapawan City.
Intensity I naman sa Malungon, Sarangani, at Koronadal City sa South Cotabato
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.