DavOcc niyanig ng magnitude 5.2 lindol

NIYANIG ng magnitude 5.2 lindol ang Davao Occidental kagabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:09 ng gabi.

Ang epicenter nito ay 168 kilometro sa silangan ng Sarangani at may lalim na 132 kilometro.

Naramdaman ang Intensity II sa Malungon, Sarangani.

Intensity I sa Alabel at Kiamba sa Sarangani, Koronadal City at Tupi sa South Cotabato.

Posibleng magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito, ayon sa Phivolcs.

Read more...