POGO payagang mag-operate para kumita ang gobyerno

SA unti-unting pagkaubos ng pondo ng gobyerno sa paglaban sa coronavirus disease 2019, iminungkahi ni House committee on appropriations chairman Eric Yap na payagan na ang work from home sa Philippine Offshore Gaming Operations.

Ayon kay Yap maaaring bigyan ng exemption ang mga POGO para makapag-operate na ang mga ito ay makakolekta ng buwis ang gobyerno.

“In view of exhausting government coffers, the suspension of POGO operations should be lifted immediately to give our tax collection a much-needed boost. We need all the help that we can get right now, hindi makakasama sa atin kung may dagdag tayong makukuhanan ng pera para magamit natin para sa mga kababayan nating nagugutom. Lives are at stake and we need to act fast,” ani Yap.

Sinuspinde ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang operasyon ng POGO upang maiwasan na kumalat ang COVID-19. Marami sa mga empleyado nito ay dayuhan.

“The foreign workers are here anyway. Like us, some of them are also going out to get what they need. They go to groceries, drug stores, restaurants. Kung nandito lang naman din sila, why not allow them to operate?  Work from home arrangements should be explored or kung kailangan magpunta ng mga workplaces, dapat stay-in. If you can’t do either, you will not be allowed to operate,” dagdag pa ni Yap.

Maaari umanong maglabas ang PAGCOR ng guidelines para maging malinaw ang mga maaari at hindi maaaring gawin ng mga empleyado ng POGO.

“Malinaw dapat, work from home should be allowed only if its accredited by PAGCOR. Mas malaking problema ang pag-regulate nyan kung aabusuhin ng mga operators and service providers. Para sa mga nasa opisina, they should strictly monitored by the authorities, they should not behaved as if nothing is wrong. The new normal restricts our movement, that should be very clear and that should be strictly observed in order to prevent the spread of the virus.”

Maaari umanong palawigin pa ang Enhanced Community Quarantine at kailangan ng gobyerno na suportahan ang publiko.

Read more...