Carol Banawa frontliner sa US: My greatest fear is bringing the virus home 

TAKOT na takot ang dating Kapamilya singer-actress na si Carol Banawa na maiuwi ang killer virus na COVID-19 sa kanilang tahanan.

Yan ang dahilan kung bakit kailangang triplehin niya ang ginagawang pag-iingat bilang isang medical frontliner ngayong panahon ng health crisis.

Bilang isang registered nurse sa America, isa ngayon si Carol sa mga itinuturing na bayaning frontliners dahil sa pagbubuwis ng buhay para labanan ang COVID-19.

“When the pandemic started, every day paiba-iba ang guidelines. Nandoon lahat ng questions. We were also in fear,” pahayag ni Carol sa interview ng ASAP Natin ‘To kahapon.

“Siyempre nandoon po ang possibility na maka-encounter ako ng COVID patients pero so far wala pa naman. My greatest fear is bringing the virus home. 

“Kasi like my daughter, she’s considered high risk kasi may asthma siya. My husband, he’s in the military,” lahad pa ng Kapamilya singer.

“Ang ginawa namin para lang added protection, meron kaming basket by the door and then once we get home, tanggal lahat ng damit, diretso kami sa banyo and then ligo muna. 

“After that, that’s the only time we can greet and say hello to the kids,” aniya pa.

Kuwento pa ni Carol, kahit na mahirap at talagang delikado ang ginagawa nilang trabaho sa ospital dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo, mas nagiging madali pa rin para sa kanya ang bawat araw dahil puro Filipino rin ang mga kasamahan niyang nurse sa kanyang department.

Sa unit namin, sa OR, marami po akong katrabaho na Pilipino doon. Siyempre masarap ang pakiramdam kapag kasama niyo ang mga kababayan niyo sa trabaho. If you give a Filipino a task, we do it the best way that we can,” pahayag pa ni Carol.

Sa lahat ng Filipino nurses all over the world, alam ko po wala pa po sa kalingkingan yung na-contribute ko para po maitulong sa pandemic na ito. But I am trying my best in my own little way. Saludo po kami sa inyo,” mensahe pa ng bayaning frontliner sa US.

Read more...