PITONG pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog sa Quezon City kagabi.
Nagsimula ang sunog sa bahay ni Leticia Clark, 60, sa Baluyot st., Krus na Ligas, alas-10:07 kagabi.
Sa kuwarto sa ikalawang palapag umano nagsimula ang sunog. Inaalam pa ng arson investigators ang pinagmulan ng sunog.
Kumalat ang apoy sa katabing bahay.
Nagkakahalaga ng P10,000 ang pagtaya sa pinsala ng sunog na umabot sa unang alarma.
MOST READ
LATEST STORIES