116 pang OFWs nahawa ng COVID; PH honorary consul general sa Stockholm pumanaw
NADAGDAGAN ng 116 ang mga Overseas Filipino Workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.
Ayon sa Department of Foreign Affairs 984 na ang kabuuang bilang ng mga OFW na nahawa.
Naitala naman sa 25 ang bilang ng mga bagong nasawa na umabot na sa 140 ang kabuuang bilang.
Nasa 585 naman ang ginagamot at 259 na ang gumaling.
Nagpahayag naman ng kalungkutan ang DFA sa pagkamatay ng Philippine Honorary Consul General sa Stockholm na si Erik Belfrage, 74, sa komplikasyong dulot ng COVID-19.
“While we mourn yet another fallen diplomat, the DFA remains committed to ensuring the welfare of our people, monitoring their status and assisting their needs through our continuous repatriation efforts,” saad ng DFA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.