Ex-congressman maghahatid ng ayuda, dinakip

Checkpoint

DINAKIP si dating Anakpawis Rep. Ariel Casilao at ilang aktibista habang patungo sa Norzagaray, Bulacan upang mamahagi ng ayuda sa mga magsasaka ngayong umaga, ayon sa Bayan Muna.

Sa kalatas, sinabi ng Bayan Muna na hinarang sa checkpoint sa Norzagaray si Casilao at iba pang miyembro ng Tulong Anakpawis, Sagip Kanayunan alas-10:15 ng umaga.

Idinagdag ng Bayan Muna na dinala ang grupo, kasama ang ilang mga residente na tatanggap ng relief goods, sa presinto.

“We strongly condemn this harassment of groups and individuals who are only giving relief goods to our already hungry people affected by the lockdown,” ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

“We are demanding the immediate release of the volunteers, among them former Anakpawis Rep. Ariel ‘Ayik’ Casilao, who are unjustly held without any violation at Norzagaray police station. The police did not give any reason why they were apprehended and brought the relief volunteers to the station,” dagdag niya.

Pinayagang makaalis ng presinto ang mga relief volunteer makaraang makipag-usap si Casilao kay Norzagaray police chief Lt. Col. Jaime Quicho.

“However, after a few minutes, the relief volunteers were called back to the police station. They are still being held without any offense or violation.  Based on latest information, they were brought to the Bulacan Police Provincial Office in Malolos, Bulacan,” dagdag ng Bayan Muna.

Hindi naman itinanggi o kinumpirma ng Bulacan Provincial Police Office ang insidente. –Inquirer.net

Read more...