1 pang empleyado ng Kamara positibo sa COVID-19

ISANG empleyado ng Kamara de Representantes ang nahawa ng coronavirus disease 2019.

Sa mensahe na ipinadala ni House Secretary General Jose Luis Montales kanina ang empleyado ay security personnel ng Kamara.

Ang empleyado ay huling pumasok sa trabaho noong Enero. Siya ay sumasailalim sa dialysis.

Siya ay ipinasok sa ospital noong Abril 7 dahil sa pneumonia at nakalabas noong Abril 11.

Muli siyang ipinasok sa ospital matapos na lumabas ang resulta ng COVID-19 na siya ay positibo. Walang ipinakikitang sintomas ang empleyado.

Read more...