B-day message ni Xian kay Kim: Stay beautiful inside and out… love you!

KIM CHUI AT XIAN LIM

SIGURADONG miss na miss na ngayon nina Kim Chiu at Xiam Lim ang isa’t isa.

Mahigit isang buwan na rin kasi silang hindi nagkikita at nagkakasama dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Ramdam na ramdan ng KimXi fans ang pagka-miss ni Xian sa kanyang girlfriend base na rin sa kanyang birthday greeting sa dalaga.

Hindi nakalimutan ng Kapamilya actor-director na batiin si Kim sa espesyal na araw nito ngayong napakalayo nila sa isa’t isa.

Sa Instagram, nag-post si Xian ng holding hands photo nila ni Kim habang sila’y nasa beach at tila nagtititigan.

“This is for the sweetest and the most lovable person out there. To my travel buddy, to my P.I.C., and to the person who cares more for others than herself, HAPPY BIRTHDAY (Kim),” mensahe ng binata sa birthday girl.

Ayon pa kay Xian, kapag magkasama sila ng kanyang girlfriend parang tumitigil ang pagdaan ng oras.

“Stay wonderful, stay amazing, stay beautiful inside and out. Love you,” nakakikilig pang pahayag ng binata.

Nagsimulang mag-date sina Kim at Xian noong 2012 hanggang sa aminin na nga nila ang kanilang relasyon sa madlang pipol makalipas ang ilang taon. 

Parehong nagsabi ang dalawang Kapamilya stars na wala pa silang planong magpakasal at ayaw nilang madaliin ang bagay na ito basta ang mahalaga mahal nila ang isa’t isa at nae-enjoy ang bawat araw na sila’y magkasama.

Magkasama sa bagong afternoon series ng ABS-CBN ang magdyowa, ang  “Love Thy Woman” na pansamantala ngang natigil sa taping dahil sa coronavirus pandemic.

Read more...