UMABOT sa P2.3 million ang nakalap na donasyon sa unang araw ng two-nightdigital anniversary concert ni Gary Valenciano.
Umabot ng tatlong oras ang “Gary V: Hopeful” fundraising concert ng nag-iisang Mr. Pure Energy kagabi na bahagi nga ng kanyang 37th anniversary sa entertainment industry.
Ang proceeds ng benefit concert ay mapupunta sa mga bayaning frontliners na patuloy na nagbubuwis ng buhay para mailigtas ang mga COVID-19 patients.
In fairness, talagang all-out ang mga performance ni Gary na napanood sa kanyang official Facebook page. Siyempre, talagang hinintay ng madlang pipol na kantahin niya ang mga OPM classics na kanyang pinasikat.
Maraming naiyak at na-inspire sa bagong rendition niya ng “Natutulog Ba Ang Diyos?” at “Gaya Ng Dati”. Kinanta rin niya ang Gospel songs na “When I Hear Your Call” at “Break Me.”
Binigyan din niya ng bagong atake ang ilan sa kanyang timeless hits tulad ng “Di Bale Na Lang,” “Sana Maulit Muli,” “Sa Yahweh,” “Shout For Joy” at “Hataw Na.”
Didiretso ang lahat ng donasyon sa two-night digital concert ng Kapamilya singer-actor sa Operation Blessing at Shining Light Foundation.
Since the COVID-19 outbreak, Operation Blessing has provided much-needed Personal Protective Equipment (PPEs), preventive care kits, and food packs to 60 public and private hospitals, in Metro Manila, CALABARZON, Bataan, Pampanga, Palawan, Iloilo, and Davao.
Aside from serving medical, military and police frontliners, Operation Blessing also reached out and extended God’s love to vulnerable individuals – patients, farmers, daily wage earners, delivery crew, local government personnel, indigenous groups, PWDs, street kids and homeless individuals who were greatly affected by the enhanced community quarantine.
“This online concert is my way of thanking fans, friends, and supporters and it is a tribute to the unsung heroes of the COVID-19 pandemic,” ani Gary.
Ngayong gabi ang second night ng “Gary V: Hopeful”, 8:30 p.m. sa Gary Valenciano Official at Operation Blessing Foundation Philippines Facebook pages.