Solon nakukulangan sa datos na inilalabas sa COVID

NAKUKULANGAN si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin sa mga inilalabas na datos kaugnay ng coronavirus disease 2019.

Ayon kay Garbin dapat na isama sa COVID-19 online tracker ng Department of Health ang mga pasyente na nasa temporary quarantine facilities at hindi lamang ang mga nasa ospital.

Gusto rin ni Garbin na maging detalyado ang datos gaya ng paglalagay kung kailan nagkaroon ng sintomas ang isang pasyente dahil mahalaga ito sa paggawa ng desisyon sa mga gagawing hakbang ng gobyerno.

“There is an IATF directive enjoining LGUs to set up their temporary quarantine facilities. Where are the daily and weekly reports on these TQFs? So far, I have only seen the HOPE status reports of the Quezon City LGU,” ani Garbin.

Nagsimula na umanong magpasok ng mga pasyente sa TQFs subalit wala pang datos kaugnay nito.

“These LGU-level data are needed for well-informed decision-making of the IATF and its member-agencies. These data can help authorities choose from among various options, including calibration of the enhanced community quarantine and on identifying performance level quality of every LGU. These data can update the public on the status of COVID-19 measures.”

Kahit na ang master list ng makatatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development ay dapat na isapubliko.

“I commend DILG Secretary Eduardo Año on ordering the barangays to publicly disclose the masterlists of SAP beneficiaries. I urge the COA, civic groups, and concerned citizens to scrutinize these masterlists and help identify suspicious and alarming inclusions arising from nepotism and corruption.”

Read more...