Namigay ng ayuda ika-quarantine

ILANG tauhan ng treasurer’s office ng Mandaue City, Cebu, na namigay ng ayuda sa mga senior citizen sa mga barangay ng Casuntingan at Cambaro kamakailan, ang sasailalim sa home quarantine matapos mapag-alaman na may ilang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa dalawang barangay.

Ayon sa tanggapan, isasailalim din sa swab test bukas ang mga kawani upang malaman ang lagay ng kanilang kalusugan.

“They will be swabbed tomorrow by our health officials to allow possible virus incubation and get a more accurate result,” ayon sa advisory.

Simula noong Abril 9 ay nagbabahay-bahay sa 27 barangay sa siyudad ang mga kawani upang mamahagi ng P4,000 cash assistance sa mga matatanda.

Ngayong araw natapos ang distribusyon ng ayuda.

Read more...