HASHTAG #KiligOverload na may halong inggit factor na rin ang na-feel ng mga fans and social media followers ng Kapamilya singer-recording artist na si Moira dela Torre.
Kalat na ngayon sa socmed ang pasabog at paandar ng kanyang mister na si Jason Marvin nang sorpresahin siya nito sa gitna ng enhanced community quarantine sa bansa.
Hindi naging hadlang ang lockdown para mapaligaya ni Jason ang kanyang misis sa panahon ng krisis.
Ibinalita ni Moira sa pamamagitan ng Instagram ang “quarantine surprise date” ng kanyang mister sa mismong driveway ng kanilang bahay.
“Last night, Jason took me out on a date on my lolo’s truck right on our driveway, with drive thru chicken joy and snacks from our parent’s kitchen.
“It started with flowers and a letter for me (and my stepmom) and ended with a romcom at sunset. it was the best date night ever,” caption ni Moira sa IG photo nila ng kanyang super sweet na hubby.
Muling sinabi ng singer na talagang “greatest blessing” na ibinigay sa kanya ng Diyos si Jason at pinatunayan muli nito na hindi siya nagkamali sa pagpili sa kanya bilang asawa.
“@jasonmarvinph, losing you has easily become my greatest fear. but my fear is taken away by my thankfulness that I get to spend all my days with you, whether in normalcy or quarantined, whether it be 10 years or a hundred.
“You will always be my greatest blessing. I love you. Thank you,” mensahe pa ni Moira kay Jason.
Siyempre, kilig na kilig naman ang IG followers ni Moira sa pa-surprise ng asawa niya. Yung iba naman ay talagang nagsabing inggit na inggit sila sa singer dahil wala raw duda na natagpuan na niya ang kanyang forever.
Pati ang mga kaibigan niya sa showbiz at music industry ay kinilig sa paandar ni Jason. Ilan sa mga nag-comment at nag-like sa post ni Moira ay sina Kathryn Bernardo, Dimples Romana, KZ Tandingan, Maymay Entrata at marami pang iba.