MAGBIBIGAY ng tulong pinansyal ang Department of Agriculture sa mga magsasaka.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar aabot sa P3 bilyon ang ipamimigay na financial assistance na idaraan sa Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.
“Gawa nitong ECQ (Enhanced Community Quarantine) po, maraming limitations na hindi ma-accelerate iyong paggawa ng cash cards ang Land Bank, so ang decision po natin with them recently ay pamimigay ng—ibibigay na itong ayuda sa hindi pa nakatanggap through over the counter scheme, meaning doon na sa bangko mayroon kaming ibibigay na listahan at nandoon na, validated na itong listahan ng Land Bank of the Philippines or even with DBP. So, wala ng problem sana dito sa next twelve days na pamimigay ng ayuda natin sa rice farmers,” ani Dar sa Laging Handa public briefing.
Noong nakaraang taon ay nagbigay din ang DA ng financial assistance upang mabawasan ang epekto sa mga magsasaka ng Rice Tarrification law.
“At last year, we started giving iyong rice farmer financial assistance na ang target beneficiaries ay 591,246; tapos itong taon na ito 2020 ay mayroong another batch na good for 34 provinces ngayon at ang tawag natin, itong ayuda ay Financial Subsidy for Rice Farmers, so another three billion,” saad ng kalihim.
Ang FSRF ay nagkakahalaga ng P5,000 para sa mga magsasaka na ang sinasaka ay isang hektarya pababa.