INIREKOMENDA ng Department of Labor and Employment na bigyan ng hazard pay ang mga health frontliners sa pribadong sektor.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III sa kasalukuyan ang mga medical workers lang sa pampublikong ospital ang nakatatanggap ng hazard pay.
“…Kasi iyong hazard pay kasi ay naibibigay lang sa mga government employees. We were thinking of also recommending na sana iyong mga nasa private sector din lalung-lalo na iyong nasa medical, iyong mga frontliners, kasi ang dami ring nurses, ang dami ring doctors, mga medical workers na nagtatrabaho sa private hospitals, as of now they are not entitled dahil iyong hazard pay na ina-approve ay para sa mga government employees lang. So we were thinking of recommending that they should be included in the hazard pay,” ani Bello sa Laging Handa public briefing.
Sinabi ni Bello na hinihintay ng DOLE approval at rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na kailangan ding aprubhan ni Pangulong Duterte.