Estratehiya vs epekto ng COVID-19 pinaplantsa ng Kamara

TATLONG estratehiya ang nakikitang solusyon ng Kamara de Representantes para matulungan ang mga Micro, Small and Medium Enterprises.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano mahalaga ang tulong na maibibigay sa MSMEs kung saan pumapasok ang mayorya ng mga empleyado sa bansa.

Una sa estratehiya ang Small Business Wage Subsidy Program para maiwasan ang malawakang tanggalan sa trabaho.

“We strongly support the SWBS program because it provides emergency support to small businesses and their affected employees at least for 2 months,” ani Cayetano. “Yung immediate is for the workers ng micro, small and medium enterprises which will cost around P50 billion.”

Sumunod ang pagpasa ng batas para sa Comprehensive Economic Stimulus Plan na binabalangkas na ng Defeat COVID-19 Committee Technical Working Group at naglalayon na mapabilis ang recovery ng mga negosyo na magtutulak sa pag-unlad ng ekonomiya.

Next Tuesday may second hearing tayo with the economic team and we’re inviting other economists including Central bank Governor Ben Diokno. We’re also checking if the business groups would like to speak,” ani Cayetano.

At pangatlo ang Whole-of Society Approach para masulit ng husto ang Filipino bayanihan spirit.

“As we patronize the small businesses, we also help them retain jobs and boost local economy. We can all be part of the solutions and not part of the problem ” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Read more...