31 OFW nadagdag sa listahan ng nahawa ng COVID-19

UMAKYAT na sa 868 ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.

Ayon sa Department of Foreign Affairs 31 ang nadagdag kahapon sa bilang ng mga nahawa.

Siyam naman ang nadagdag sa mga namatay na may kabuuang bilang na 115.

Ang mga naka-recover ay 255 at ang mga nagpapagaling ay 498.

“Rest assured that efforts to assist and ensure the welfare of our Overseas Filipinos will continue. Moreover, we reiterate that those who wish to return to the Philippines in this time of pandemic should coordinate with the nearest Philippine Embassy or Consulate.”

Read more...