Barangay tanod, health workers may ayuda sa ilalim ng SAP

KASALI na ang mga barangay tanod at barangay health workers sa bibigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng social amelioration program ng gobyerno.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya isang Memorandum ang ipinalabas ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista kahapon para rito.

Ayon kay Malaya ang mga tanod at health workers ay hindi mga regular na empleyado ng barangay at nakatatanggap lamang ng allowance.

“Therefore, since they only receive allowances, they are sub-minimum wage earners which refers to any person who earns a wage below the prescribed minimum wage,” paliwanag ni Malaya.

Ang DILG ang nagrekomenda sa DSWD na isama ang mga tanod at health workers sa benepisyaryo ng SAP.

“Karamihan po sa ating mga tanod at health workers ay head of the family and they only receive more or less P1,000 as allowance from the barangay. Since they are below the poverty line, they should be included among those to be given SAP, subject to the proper screening of the DSWD,” dagdag pa ng opisyal.

Read more...