PINAGTANIM ng gulay ngayong araw ang 35 katao na nadakip dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine sa San Fernando, Pampanga.
“We made them plant kalabasa and okra for two to three hours,” ani Col. Paul Gamido, city police director.
Noong una ay pinageehersisyo ng mga pulis ang mga nahuhuling pasaway. “I think making them plant vegetables is more productive nowadays,” paliwanag ng opisyal.
Pinagtanim ang 35 sa city nursery na matatagpuan sa Brgy. Lara.
Maliban sa pakalat-kalat kahit may curfew, kasama sa nahuli ang mga hindi nagsusuot ng face mask at walang quarantine pass. Pawang mga lalaki ang 35.
MOST READ
LATEST STORIES