14-araw sanggol positibo sa COVID-19

ISANG 14-araw na sanggol ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Bataan.

Inaalam pa kung paano nahawa ng virus ang lalaking sanggol, ayon sa provincial health office (PHO).

Kahapon ng umaga ay mayroon nang naitalang 80 kaso sa probinsya.

Sa bilang, 42 ay mga doktor, nurse at nursing attendants.

Labing-lima ang gumaling na at kinukumpleto ang kanilang 14-day post-discharge quarantine.

Read more...