HOT topic ngayon sa social media ang hugot ni Senate President Tito Sotto tungkol sa mga taong talagang ibinabandera ang pagtulong sa social media.
Nag-post ang senador sa kanyang Twitter at Instagram ng isang quote mula sa American basketball player na naging head coach ng University of California sa Los Angeles na si John Wooden.
“My John Wooden amended version – if you want to feed the hungry, then feed the hungry. But the moment you post it on social media, you are only feeding your ego!” ayon sa post ni Tito Sen.
Ang original na mensahe ni Wooden ay, “If you want to feed the Homeless, then feed the Homeless. But the moment you post it on Social Media, you are just feeding your EGO!”
Sumang-ayon naman sa hugot ni Tito Sen ang kaibigan nito at co-host sa Eat Bulaga na si Joey de Leon na nagsabing, “Aray! Ang daming sapol!”
Marami ang naniniwala na para ito sa mga tumutulong ngayon sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic at pagkatapos ay ipino-post sa social media.
Isang netizen ang matapang na humamon sa senador na pangalanan ang mga tinutukoy niya sa kanyang post, “Kung may b*y*g ka pangalanan mo! Gawain mo rin yan pag eleksyon, suhol mo ALDUB kapalit ng boto! IMPOKRITO KA!”
Ilang celebrities na ang nagsabi na kaya nila ipino-post ang paghahatid nila ng ayuda sa mga taong apektado ng health crisis ay para ma-inspire ang iba na tumulong din.
Ang iba naman ay para ipakita sa mga nag-donate sa iba’t ibang fundraiser kung saan napunta ang kanilang mga donasyon.
May mga sumang-ayon sa senador at nagsabing hindi tama ang ipayabang ang tulong dahil nawawala ang tunay na kahulugan nito kapag ipinagsigawan mo ito sa buong mundo. Narito ang ilan pang comments sa mensahe ni Tito Sen.
Ani @1004Sophia, “I dont know if nakakatulong po itong post nyo. Magtrabaho na lang po kayo ng inyo. Focused lang kayo sa work nyo. Mas gusto po namin nag po post kasi nakaka inspire po kami na may gawin din na makatulong din. At transparency para alam ng tao kung saan napunta pera ng bayan.”
Comment naman ni @rhed_malou17, “Or maybe they just want to inspire others to do the same. Just like what you do in EatBulaga… Different ways but the same intentions. God bless the Philippines and the Filipinos.”
“Sir, we would appreciate it if you would just hit it straight. Dont go around the bush. Dont make statement that open to interpretation. Mas gusto ng tao yung prangka, puti kung puti, itim kung itim. Walang grey,” sabi ni@acidscrambler.