NATAPOS sa loob ng tatlong araw ang paglalagay ng cubicle sa Philippine Sports Arena (ULTRA) na gagamiting isolation facility para makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.
Ayon sa Department of Public Works and Highways kayang mag-isolate sa lugar ng 132 pasyente.
“Built in super quick time from April 15 to 17, I am truly proud of the demonstrated teamwork and responsiveness of DPWH,” ani DPWH Sec. Mark Villar.
Ang inaasahang pagtatapos sa civil work sa PhilSports Arena ay bukas.
Natapos din ang dalawang nursing station sa lugar.
“The “We Heal As One” Center at ULTRA, Pasig City is part of the government’s effort to repurpose any available government or private structures into health facilities,” dagdag pa ng kalihim.
MOST READ
LATEST STORIES