BINASAG ng isang fan ni Heart Evangelista si Pia Wurtzbach dahil parang minaliit umano nito ang ginagawang relief efforts ng asawa ni Chiz Escudero.
Feeling kasi ng netizen, offensive ang naging comment ng beauty queen-actress sa pagtulong ng Kapuso actress sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.
Nagsimula ang issue nang mag-post si Heart sa Instagram ng napakaraming kahon na naglalaman ng Vitamin C tablets na ipamimigay niya sa mga tinagurian niyang “unsung heroes.”
Makikinabang dito ang mga Grab drivers, security guard at mga hospital staff na patuloy na nagbubuwis ng kanilang buhay sa paglaban sa killer virus.
Isa sa mga celebrities na nag-like at nag-comment sa post ni Heart ay si Pia. Anito, bilib siya sa tapang at dedikasyon ng Kapuso actress dahil sa kabila ng pakikipaglaban sa anxiety attack ay tuloy pa rin ang pagbibigay nito ng tulong.
Inamin ng Kapuso star na inaatake pa rin siya ng anxiety dahil sa lockdown pero hindi niya hahayaang matalo siya nito kaya laban lang.
“Its so nice to see that despite you battling your own anxieties you still have a big heart to look after others even in small ways. that takes real strength,” ang mensahe ni Pia kay Heart.
“Thanks Pia … I need to rise above it. Stay safe love,” reply naman sa kanya ng misis ni Chiz.
May isang netizen ang nagkomento sa post ni Pia at ang feeling nga nito sa “even in small ways” na sinabi ng dating Miss Universe ay pangmamaliit sa pagtulong ni Heart.
Deleted na ang nasabing komento pero ito ang lumalabas na dahilan kung bakit nagpaliwanag si Pia.
Paglilinaw ni Pia, “Wasnt implying that the work she is doing is ‘small’. Of course not!
“She does so many things to help other people.”