HUMINGI ng paumanhin si Albay Rep. Joey Salceda matapos niyang i-share ang isang video kung saan makikita na maraming tao sa Divisoria, Maynila alas-7 ng umaga kanina.
Ayon kay Salceda galing ang video sa Viber group ng malalaking negosyante.
“I took down the post immediately upon correction by Cesar Chavez. I am sorry if it caused harm but not intended. I am actually very careful with my posts but I got it from a viber group of reputable businessmen so I gave it the presumption,” ani Salceda.
Dagdag pa nito: “Lesson learned: if you can not verify, don’t post”.
Tinawag umano ni Cesar Chavez ang atensyon ni Salceda kaugnay ng post.
Mayroon ding kongresista na nag-post sa viber group ng mga mambabatas ng naturang video kaya may ibang mga solon na nag-post din nito sa ibang mga viber groups.
Naglabas din ng pahayag ang Public Information Office ng Manila City Hall at hiniing na iwasan ang pagkakalat ng maling impormasyon.
“The Manila City government urges ALL NETIZENS to avoid sharing FALSE INFORMATION by using OLD FOOTAGE of the Divisoria Night Market. This is Divisoria every morning since the implementation of the enhanced community quarantine in Luzon,” na ang tinutukoy ay ang mga kuha sa Divisoria kung saan halos walang laman ang kalsada.