Angelica kinakarir ang ‘Operation luto’ para sa frontliners; Brian Poe namigay ng 100 sakong bigas

ANGELICA PANGANIBAN

IDINAAN sa social media ng Kapuso star na si Lovi Poe ang kanyang matamis na pagbati sa kaarawan ng kanyang pamangkin na si Brian Poe Llamanzares.

   Si Brian ay anak ni Sen. Grace Poe. And as we all know, sina Sen. Grace at Lovi ay mga anak ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr..  Kaya si Brian ay apo na ni FPJ.

    Nagdiwang ng kanyang 28th birthday si Brian last Thursday, April16. On that day, ipinost ni Lovi sa kanyang Instagram ang pictiure nila ni Brian kalakip ang kanyang pagbati sa pamangkin.

    Ito ang caption sa IG post ni Lovi, “Happy Birthday, @heyitsbrianpoe!  You’ve been so supportive and I love seeing your face at the premieres. 

     “Thank you for always being there! Tita-Nephew bonding soon.”

     Naging very meaningful naman ang ginawa ni Brian na pagdiriwang sa kanyang 28th birthday. Namahagi siya ng saku-sakong bigas sa mga naapektuhan ng enhanced community quarantine dulot ng COVID-19.

Umabot sa 100 sakong bigas ang ipinamahagi ni Brian sa Maynila at 30 sako naman sa San Juan. Namigay din siya mga PPEs, face masks, gloves, alcohol at face shields sa mga health frontliners kasama ang kapatid na si Hanna.

    

     “Nagpapasalamat ako sa pagkakataong ito na makapagbigay ng kahit simpleng tulong sa mga higit na nangangailangan sa  panahon ng pagsubok,” lahad ni Brian. 

      In fairness, malaking tulong sa ating mga kababayan ang ginawa ni Brian. Harinawang dumami pa ang katulad niya.

                           

  * * *

Matapos mamigay ng pagkain para sa frontliners ng Diliman Doctors Hospital at Philippine Heart Center, muling namahagi si Angelica Panganiban ng ready-to-eat meal packs sa mga bayaning healthcare workers.

Daan-daang meal packs ang kanyang ipinadala sa staff at empleyado ng Medical City at Cardinal Santos Medical Center.

“450 meals for today. Lahat po para sa frontliners natin. Naipadala po namin sa Medical City and Cardinal ang lahat, sa tulong ulit ng AFP. 

“Nakagawa kami ng sarsiadong pampano at blue marlin, adobong pusit, baked salmon w/ salmon fritters, chicken bbq, boneless ribs, giniling w/eggs, chop suey, salted egg shrimp, roast beef, longganisa hubad w/ eggs, crablets, adobo w/ pork cracklings,” pahayag ni Angelica sa kanyang Instagram post.

Nakatulong ng aktres sa kanyang “operation luto” ang mga kaibigang sina Pocholo Barretto, Barbie Imperial at Smokey Manaloto.

Salamat ulit @jared_stotomas at sa tipsy cooks natin para sa nakakagigil na pagkain. Special shout out to @teamangelsofficial11 sa donation. Sila po ang sumagot ng packaging for today. Malaking malaking bagay.

Sa next wave po namin, nais po namin mag bigay tulong sa mga barangays na nahihirapan maka kuha ng supplies. Bukas po ang comments para makapagbigay kayo ng suggestions. At gagawin po ng grupo ang lahat ng makakaya. Salamat @tipsypig_ph para sa pagbukas muli ng pinto. At sa repacking team,” lahad pa ng aktres.

                     

Read more...