HINDI lang iilan ang nagtataka kundi man naguguluhan kung bakit ikinaila ni Ethel Booba na siya ang may-ari ng Twitter account na @iAmEthylGabison when, in fact, ay associated ito sa kanya based on her own admission.
Sa mga pamilyar sa tweets ng komedyana, Ethel’s subjects are anywhere between showbiz and politics. Mas lamang nga lang ang mga usaping may kaugnayan sa lipunan na ikinokonekta niya with political affairs.
Seryoso man ang paksa’y may himig ito ng pagpapatawa, combining it with wit like any discerning individual would possess.
To give her the license in her critical thinking nang walang posibleng pananagutan, Ethel always ends her tweets with “Charot!” Kumbaga, may “bawi” sa dulo.
Nakapagtataka nga lang na iba na ang kanyang sinasabi ngayon, disowning the account. Peke raw ‘yon at ginagamit lang ang kanyang pangalan na nais niyang paimbestigahan.
Pero bakit ngayon lang niya ito isiniwalat?
Kung peke pala ‘yon for as long as she can remember, why the disownership now?
Marami tuloy ang mga haka-haka sa likod ng pagtangging ‘yon ni Ethel.
Hypercritical of her subject, binusalan kaya siya para manahimik na sa katu-tweet lalo’t hindi ‘yon nakatutulong para malutas ang health crisis?
May mga puwersa ba sa labas na nanggipit sa kanya, thus she was forced to tear her account down para na rin sa kanyang seguridad?
Granting otherwise, why say that it’s a fake account all along? Meron bang may gustong gumaya sa kanya and her brand of satire?
* * *
Update: Recently, naglabas na ng video si Ethel Booba explaining kung bakit bigla siyang nag-announce na fake ang Twitter account na nakapangalan sa kanya.
Masyado na raw kasi itong mapolitika, at hindi niya nagustuhan ang tweet ng kanyang poser tungkol sa panawagan ng pagdo-donate samantalang nagbabayad naman daw ng tax ang mga Filipino.
Sinagot din niya ang accusation na pinagkaperahan daw niya ang Twitter account na may 1.6 million followers.
“Naku, e, dapat ang yaman-yaman ko na. Sa dami ng siniraan niya, si ‘Fake,’ so parang ang yaman ko na siguro. Talagang bumalandra na ako diyan, saku-sakong bigas na (pinamimigay ko).
“Bakit mo ako sisiraan nang ganyan? Hindi ko ugali ‘yan. Hindi ako ganyang tao. Okay lang naman tira dito, dapat ganu’n, e, dapat pantay, e.
“Kaso nga, hindi. Du’n ko na rin napuna na, ‘Bakit ganito, bakit hindi na ako yung kinukopya niya. Hindi na as ako na puro funny lang. Wala naman akong pakialam sa mga pulitika-pulitika na ‘yan,” she said.
Ipinagdiinan din ni Ethel na walang pagbabanta sa kanyang buhay, “Wala akong death threat ‘no? Bakit ako magka-death threat, ano bang ginawa ko?”
“Tsaka kailangan ko ‘tong i-report na at i-stop na, at kailangan ko na ‘tong tuldukan na talaga. Kasi malapit na rin yung eleksiyon, e, two years na lang, baka pagkakitaan niya pa ‘to.
“Ngayon na, lalo na ngayon din na nasa krisis tayo. Bira lang siya nang bira tapos ako yung nasisira. Huwag ganu’n. Huwag kang manira.
“Fake, tigilan mo na ‘yan. Tigilan mo ‘yan, makakarma ka sa ginagawa mo,” sabi pa ni Ethel.