88 OFWs nadagdag sa nahawa ng COVID-19

NADAGDAGAN ng 88 ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.

Ayon sa Department of Foreign Affairs ito ang pinakamaraming naitala sa loob ng isang araw simula sa huling bahagi ng Marso.

Umabot na sa 837 ang bilang ng mga nahawang OFW.

Nadagdagan naman ng tatlo ang mga nasawi na may kabuuang bilang na 106.

May walo namang naka-recover kaya umakyat na sa 248 ang kabuuang bilang nito.

Read more...