NAGSAGAWA na ang clearing at disinfection sa tatlong mega tents na gagawing temporary health facility sa Ciudad de Victoria estate in Bocaue, Bulacan.
Sinabi ni Department of Pubic Works and Highways Sec. Mark Villar na isinagawa na ang paggawa sa layout sa Philippine Arena complex ng DPWH Task Force on Augmentation of Healthcare Facilities na pinamumunuan ni Undersecretary Emil Sadain kasama sina Assistant Secretary Leonita Gorgolon ng Department of Health (DOH); Atty. Glicerio Santos IV, Chief Operating Officer ng Maligaya Development Corporation, at DPWH Region 3 Director Roseller Tolentino.
Sa Abril 20 ay sisimulan na ang konstruksyon ng DOH-approved quarantine cubicle na may laking 3.05 x 3.05 metro katulad ng ginawa sa Clark.
Bilang bahagi ng occupational health and safety measures ang mga gagawa ay mananatili sa itatayong temporary barracks.
Magtatayo rin ng nursing stations, sanitizing chambers, at test booths na kayang tuluyan ng 300 COVID-19 patients.
Ayon kay Sadain tatagal ng 10 araw ang paggawa sa quarantine centers.
Ipinagamit ng Iglesia Ni Cristo ang Garden Suites nito bilang tulong sa paglaban sa COVID-19.