BREAKING: 8 sundalo patay sa bakbakan sa Sulu

WALONG sundalo ang nasawi habang ilan pa ang nasugatan matapos makasagupa ang may 40 hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf sa  barangay Danag sa Patikul, Sulu, Biyernes ng hapon.
Sa ulat na nakalap ng Bandera, nagsasagawa ng combat/strike operation ang grupo ng 21st Infantry battalion sa pangunguna nang paulanan sila ng bala ng grupo ng Abu Sayyaf sa pangunguna ni Radullan Sahiron at Hatib Hadjan Sawadjaan sa Sitio Bud Lubong pasado alas-3 ng hapon.
Tumagal ng isang oras ang bakbakan.
Walong sundalo ang nasawi sa bakbakan.

 

Read more...