AABOT sa 766 healthcare workers sa bansa ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon Department of Health (DOH).
Sa bilang, 339 ay doktor at 242 ay nurse, ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Samantala, 22 sa mga nasabing health workers ay nasawi sa nasabing sakit.
Base sa datos ng DOH, mayroong 5,878 kumpirmadong kaso COVID-19 sa bansa kung saan 487 ang gumaling habang 387 ang nasawi.
MOST READ
LATEST STORIES