1 pang temporary health facility patapos na

PATAPOS na ang ginagawang temporary health facility sa Eva Macapagal Super Terminal sa Pier 15 ng Manila South Harbor.

Tuloy-tuloy ang paggawa ng Philippine Ports Authority at Philippine Coast Guard sa lugar. Ang ginagamit sa paggawa ay ang P100 milyong pondo na bigay ng Lopez Group or Companies.

Aabot sa 211 cubicles ang maitatayo sa lugar at lalagyan ng mga hospital/medical equipment para sa paggamot sa mga nahawahan ng coronavirus disease 2019.

Nilagyan ito ng airtight doors upang maiwasan ang aerosols containing COVID-19 sa pagkalat.

Read more...