800 pulis ikakalat sa Cebu; buong sitio ‘Covid infected’
AABOT sa 800 pulis at sundalo ang ikakalat sa Cebu City simula ngayong araw upang masiguro na masusunod ang ipinaiiral na enhanced community quarantine.
Ani Col. Josefino Ligan, hepe ng Cebu City Police Office, magsasagawa ng foot patrol sa mga barangay at magbabantay sa checkpoint ang kanyang mga tauhan.
‘They are also tasked to ensure that social distancing is observed in all public areas, that the wearing of masks is observed and that only Authorized Person Outside their Residence (APOR) are out on the streets,” aniya.
Idinagdag niya na magpopokus ang pulis at sundalo sa Sitio Zapatera sa Brgy. Luz, kung saan 82 na ang naiulat na positibo sa COVID-19
Samantala, nakiusap si Bgy. Luz chair Ronelio Sab-a sa Cebu City Health Department na huwag itigil
ang mass testing sa Sitio Zapatera.
Ani Sab-a, may humigit kumulang na 10,000 ang residente sa sitio pero 360 lamang na-test.
“This is less than 14 percent of the population and could not represent the entire sitio,” aniya. “They cannot just stop the mass testing in Zapatera. We really have to appeal that the testing be continued because they only tested a small portion of the population.”
Idinagdag ni Sab-a na mas maraming residente ang magkakasakit matapos ideklara ng city health department at ng Department of Health na infected ang buong sitio at ititigil na ang testing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.