#SHOOKT!
Gulat na gulat ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza nang malaman ang edad ng Korean superstars na sina Song Hye Kyo at Son Ye Jin.
Aliw na aliw ang social media followers and fans ni Maine sa naging reaksyon nito nang mabasa sa isang post kung ilang taon na ngayon ang mga South Korean actress na sina Song Hye Kyo at Son Ye Jin.
Sa mga hindi pa nakakaalam, si Song Hye Kyo ay sumikat at nakilala ng mga Pinoy sa mga hit K-drama na Full House at Descendants of the Sun.
Si Son Ye Jin naman ay kilalang-kilala ngayon bilang leading lady ng Korean superstar na si Hyun Bin na super sikat nga ngayon sa Pilipinas dahil sa hit series nilang Crash Landing On You (CLOY).
Shocked si Maine nang malamang 38 years old na ang dalawang Korean aktres.
Ni-repost ni Maine sa kanyang social media account ang article tungkol sa mga Korean stars na nasa 30s na ang edad.
Ito lang ang naging reaksyon ng Dubsmash Queen, “GRABE kamusta naman tayong nasa 20s palang pero mukhang pa-40s na?!”