Divisoria dinagsa ng mamimili

(File photo)

SA kabila ng pinaiiral na Luzon-wide lockdown at paulit-ulit na paalala ukol sa social distancing ay patuloy ang pagdagsa ng mga mamimili sa Divisoria sa Tondo, Maynila, ngayong araw.

Hanggang alas-7 ng umaga lamang pinapayagang mamalengke ang publiko sa lugar pero marami pa rin ang namataan doon kahit lagpas na sa takdang oras.

Halos nabalewa rin ang social distancing measure dahil sa pagbuhos ng mga mamimili.

Wala namang nagawa ang mga opisyal ng barangay at pulis na nakabantay sa lugar.

Read more...