NAGPAPAPANSIN itong si Albay Rep. Edcel Lagman Jr. sa kanyang pagsampa ng panukalang batas na layong parusahan ang mga bakla at tomboy na pumapatol sa may asawa.
Sa panukalang batas ni Lagman, ibig niyang parusahan ang mga bakla na papatol sa lalaking may-asawa at T-bird na papatol sa babaeng may asawa.
Ano naman ang magagawa ng bakla sa kapwa niya lalaki kundi ang maghadaan. Ang lalaki na pumapatol sa bakla ay bading din.
Ganoon din ang babae na pumapatol sa T-bird; siya’y isang tomboy din.
Ang dapat gawin ng babae na nahuli ang kanyang mister na nakikipagrelasyon sa kapwa niya lalaki ay hiwalayan niya ito.
Ganoon din ang lalaki na nahuling nakikipag-relasyon ang kanyang misis sa kapwa babae.
Oo nga’t masakit sa isang lalaki na ang kanyang misis ay pumatol sa tomboy, at ganoon din ang babae na nadiskubre na ang kanyang mister ay pumatol sa kapwa lalaki.
Parang sampal sa kanilang pagkalalaki o pagkababae ito.
Kaya nga ang biro ko sa aking partner kapag siya’y nagsususpetsa na meron akong ibang babae ay: “Mabuti na sigurong nambababae ako kesa nanlalalake.”
Joke lang po yun. Pero natatawa na lang ang aking kapartner.
Bakit naman idedemanda pa ni babae ang kanyang asawang pumatol sa bakla samantalang puwede naman niya itong hiwalayan?
Ang dapat nga ay kaawaan ang lalaki at babae na pumapatol sa taong may parehong sex sa kanila.
Ano’ng mahihita ng babae at lalaki sa kani-kanilang asawa na bakla at tomboy?
Ang tawag sa lalaki or babae na dalawa ang sexual preferences ay bisexual.
Marami akong kilala na mga macho na lalaki na puwede sa babae at sa kapwa lalaki. Tatawa kayo nang napakalakas kapag sila’y pina-ngalanan ko.
Ganoon din ang mga babae na parehong gusto ang lalaki at kapwa nila babae. Ang ganitong klaseng babae ay di hamak na mas magaling daw sa kama kesa sa ordinaryong babae.
Anong nangyayari sa kama ng dalawang lalaking nagsi-sex? Siyempre, alam n’yo na.
At ang dalawang babae na nagsi-sex? Siyempre, alam n’yo na rin.
Kaya’t Lagman, magisip-isip ka naman ng ibang panukalang batas at huwag iyong naisip mo lang dahil sa TV series na “My Husband’s Lover.”
Asus, Congressman Lagman, para ka yung congressman noong dekada ‘60 na nagpanukala na gawing outlaw ang bagyo. Parang ginawa niya ang bagyo na masamang tao at dapat hulihin at ikulong.
May nagbigay ng su-hestiyon na ipag-utos sa mga kakandidato para sa government positions na dapat magpatingin sa psychiatrist upang malaman ang kanilang mental state.
Halimbawa, bakit ang isang congressman ay nagbaril sa sarili matapos matalo sa nakaraang eleksiyon?
Ang isang taong nagsu-suicide o nagtangkang kumitil sa sa-riling buhay ay may diperensiya sa pag-iisip.
Dapat din ay magpa-undergo ang mga political candidates ng drug test.
Ilang mambabatas ay mga drug addict. Isa na rito ay Visayas congressman na kakaiba ang kilos at pananalita kapag siya’y “high” sa droga.
Nasabi sa akin ng isa sa mga naging office staff nitong congressman na agitated si Cong kapag humupa na ang kanyang pagiging “high” at nag-uutos na bumili ng shabu sa kalye.
qqq
Kung nahuli man si Senator Juan Ponce Enrile na naglalaro ng bejewelled sa kanyang iPad, ay hayaan na natin.
Ang larong bejewelled ay nagpapatalas ng utak. Para sa mga may edad na, ang larong bejewelled ay pumipigil sa pagdating ng Alzheimers o pagiging ulyanin.
Sa edad na 89, si Enrile ay matalas pa ang pag-iisip. Wala pang makakatalo sa kanya sa debate sa Senate floor.